Dalawang mata pero tila 'di ko makita Aking ganda at kabuoang halagahan Sariling pagsira Sariling kadigma Pero 'di ako kalaban Ako'y aking kaibigan Walang malalapitang Iba kundi sarili Pag nag atubili Aking sasabihin Sapat ka pagkat 'Di mo lang makita Iyong halaga't ganda Sapat ka't higit pa Sinong sasagip sa'kin sa kadiliman? 'Di siya na saaki'y walang kaalaman Sa'king nararamdaman At aking labanan Mahirap pag dumipende pa sa iba Pag sila ang basehan ng 'yong ligaya Kung nawala sila Masaya ka pa ba? 'Di ako kalaban Ako'y aking kaibigan Walang malalapitang Iba kundi sarili Pag nag atubili Aking sasabihin Sapat ka pagkat 'Di mo lang makita Iyong halaga't ganda Sapat ka't higit pa Oh yeah